Monday, August 16, 2010

Pag-ibig Pa Rin



O musang marikit at kaakit-akit
Ibahagi sa akin mga katagang ninanais
Diwa kong hapo ay 'wag bigyang pasakit
Sa paghanap, paghalaw ay naghihinagpis.

Sa pagkamangha sa nasilayang komediya
Na halaw sa likha ng Dakilang Makata
Tuloy ay naisip na tumipa sa letra
At magpugay sa dula sa lengua Tagala.

Sayaw at galaw ay kagilagilalas
Sa halaw ng himig na buhay at wagas
Puso'y napako sa aking namalas
Na siyang dahilan at nagbabalagtas.

Pag-ibig, pag-ibig at pag-ibig pa rin
Kasumpa-sumapang pag-ibig, salarin
Tatlong kaharia'y napailalim
Sa dusa at dugo at waging malagim.

Salamat sa aking mga katoto
Na nag-imbitang manood ng teatro
Orosman at Zafira, aking ginusto
At nagbigay kulay sa aking Linggo.

Ngayon ako, sa inyo'y nag-aanyaya
Huwag palampasin yaring naturang dula
Inyo itong antabayanan
Sa kuta ng mga Iskolar ng Bayan.

Muna'y lubayan ang banyagang produkto
At ang pilak na tabing na ating gusto
Kayo ay magmadali ng husto
Ang dula ay lamang hanggang dulo ng Agosto.



8 comments:

  1. josh! sorry, with or without your permission (but with attribution to you, of course), i will repost this! haha. this is brilliant! thanks in advance. :)

    gibbs

    ReplyDelete
  2. @ Gibbs: Haha! Thanks for the feature and the linklove, Gibbs! And thanks for inviting me to watch the play. :-)

    ReplyDelete
  3. Landed here because of gibbs' link. This is love. :-)

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  4. Oh wow. This is quite a treat. Prior to this post, I had never seen you write in Filipino. It's quite the revelation. :)

    ReplyDelete
  5. makatang-makata ka talaga Shards. This sounds interesting. I like plays. I just don't have anybody to watch them with... sa Diliman ba to?

    ---
    I think a pocket book will do. hehe. but i think the magnifying glass is way better... unique and holds profound meaning to you--the dreamer. hehe

    ReplyDelete
  6. @ Fickle Cattle: Hey there, thanks for the comment!

    ReplyDelete
  7. @ Citybouy: You're relatively new to my blog. I did this stunt last year as well, but in prose. Just think of it as my contribution for this year's Buwan ng Wika. :-)

    ReplyDelete
  8. @ Lucas: Makata ba Ron? Di naman gaano. haha! It's a very nice play, and yes, sa Diliman siya. You should go! Mura lang naman yung tickets, so madali kang makakapag-yaya ng makakasama mong manood.

    ReplyDelete

Can't stand the craziness?


Scream!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin