Monday, August 31, 2009

Tagalog

Gamitin ko man sa pangaraw-araw na pakikipag-usap, hindi pa rin ako sanay sa pagtipa ng mga titik sa Tagalog. Mas sanay pa rin ako sa mga salitang sinulat sa wikang ingles. Marahil ay dahil ito sa pagkakasanay sa pagbabasa ng mga aklat sa wikang hiram. Nasanay na rin akong magisip at kausapin ang sarili sa ingles kaya't nagiging mabagal ang pagpapahayag ng sinaloobin sa sariling wika.

Damang dama sa mga lumalabas na titik ang bigat ng pagiisip gamit ang wikang ito. Hindi ko makayang paliparin ng matayog at malaya ang aking diwa at napipilitan akong tumigil panandali upang hanapin ang halaw sa tagalog ng ilang salitang natural kong ginagamit sa ingles.

Masasabi ko pa ring isa sa mga pinakamakulay na wika ang ating gamit. Gamit ang ilang kataga ay kaya nitong magpahayag ng iba't ibang kahulugan at damdamin. Isa pa, saan ka makakikita ng iba pang wika na may kakayanang bumuo ng matinong paguusap gamit lamang ang iisang kataga?

Sa isang elevator, pagbukas ng pintuan:
Man1, pasakay: bababa ba?

Man2, nakasakay: bababa.

Tiyak, walang ibang wikang may kakayanang gumawa nito.

Gayun pa man, hindi pa rin ako sanay gamitin ang wikang ito sa pagtipa ng aking saloobin. Araw-araw ko man itong gamit sa pananalita ay mas kumportable pa rin talagang gamitin ang ingles sa malayang pagpapahayag. Siyang dahilan ng aking pagbabalik sa wikang nakasanayan matapos ang dalawang linggong eksperimento sa wikang kinagisnan.

Maligayang buwan ng ating wika. Nawa'y maging makabuluhan ang paggamit natin nito.


16 comments:

  1. hahaha.

    nakakatuwa. pakiwari ko’y nagbalik ako sa panahong malamyos at dalisay ang tinig ng wikang Filipino.

    malayung-malayo sa wikang Pinoy na kasalukuyan kong pinapanday, bagaman at hindi ko ito ikinakahiya. dahil tulad ng pag-inog ng mundo, marapat lamang na makasabay sa agos ng pagbabago ang wika upang huwag mamatay nang di kusa.

    nais kong isiping ang pinaghalong tayutay ng makalumang Filipino at tarantado’t balbal na Tagalog na gamit ko sa aking kasalaukuyang pluma eh hindi pambabastos kundi nga’y pag-usbong ng makabagong anyo ng wikang sinasalita ng kasalukuyan.

    kung saan mo mas gamay ibulalas ang iyong mga nasasaloob parekoi, doon mo tangkaing bigyang buhay ang iyong panulat.

    ReplyDelete
  2. @ Lio Loco: Tama ka, ang wika ay kailangang dumadaloy at nakiki-ayon sa panahon, dahil kung ito ay tumigil sa pagdaloy ay siyang hudyat ng kaniyang pagkamatay.

    Ewan ko ba, napaka-formal ng dating sa akin ng written tagalog. Ayaw ko rin namang masanay sa paggamit ng hybrid enggalog or taglish dahil nagtutunog kolehiyala.

    So maybe, I'm going to stick with english for the time being. It flows better for me.

    ReplyDelete
  3. sabi nga ni rizal, ang di magmahal sa wika ay daig pa ang malansang isda. pero ang kinagugulo ng isipan ko ay ang magulong pagtalakay ng ating gobyerno dito. nais nila na ingles ang mga batayan ng usapan sa mga paaralan pero taliwas naman ito sa ibang hangarin na filipino dapat ang gamitin. pwede kaya na dalawa na lang ang pag-aralan natin?

    ReplyDelete
  4. shattershards! sumakit ang ulo ko dito!

    napagtant ko na sa parehong paraan na hindi ako sanay magsulat sa tagalog, ganun rin akong hindi sanay magbasa ng mga sulating tagalog. hay. sumakit na naman ang ulo ko. hehehe. :P

    ReplyDelete
  5. @ Lawstude: Ang problema sa ngayon ay hindi nabibigyan ng kauukulang iportansiya ng ating mga mambabatas ang mga adhikain tungkol sa ating Wika. Wala kasing pera sa ganitong adhikain.

    The last time that the deliberation on languages were taken seriously was during President Aquino's time, when we shifted from the Tagalog alphabet (Abakada) to the current Alfabetong Filipino. I remember hearing on radio an argument for the Filipino by using the accronym of the PCGG, which, when pronounced in Tagalog would sound as "Pa Ka Ga Ga".

    We, as a nation, are gifted with the gift of tongues. We are natural multilinguals, and, as such, a bilingual mode of education is feasible for us. We just need a solid program.

    ReplyDelete
  6. @ Deejay: Bakit naman sumakit ang ulo mo, Deejay? Hindi ako naniniwalang lampas sa rurok ng iyong katinuan ang pagbabasa ng wikang ating kinagisnan. Dahil ba sa rami ng mga patinig na ginagamit natin, kaya't hindi mo nasanay ang iyong mga mata sa pagbabasa ng mga sulating Tagalog?

    Nalilito ka rin ba sa mga alituntunin sa paggamit ng "D" at kung kailan ito pinapalitan ng "R", kagaya ng "din" at "rin"? Paano na lamang ang paggamit ng "ng" ang "nang"?

    Alam kong kaya mong intindihin ang ating wika, kailangan mo lang ng pinag-igting na pag-aaral. :-)

    ReplyDelete
  7. i love writing in english but sometimes there's a hole i have to fill by writing in filipino. :)

    love,
    nobe

    www.iamnobe.wordpress.com
    www.deariago.com

    ReplyDelete
  8. @ Nobe: There are things that just doesn't sound right when written in words other than Filipino. Its musicality and unique enunciation lends deepere feelings on the words. :-)

    ReplyDelete
  9. hey shatter, one question! what's the story behind that cake in your gravatar?

    hehe. if you don't mind me asking.

    ReplyDelete
  10. @ Nobe: That was my birthday cake, given by a couple of friends. The message "Cake or Death" comes from Eddie Izzard's stand up comedy, which we love. Here's a link:

    http://www.youtube.com/watch?v=rZVjKlBCvhg

    Enjoy!

    ReplyDelete
  11. @shatter: watched it!

    yeah, i'd prefer cake too. easy. lol

    ReplyDelete
  12. Waw ang lalim mo magtagalog. Haha. Pag ako nagsulat sa tagalog parang pangkanto lang eh. Hahaha.

    Na amaze naman ako dun sa bababa ba? Hehe. Ayos. =)

    ReplyDelete
  13. @ Vajarl: May kalalaiman nga siguro ang tagalog ko. Thankfully, hindi ako ganoon magsalita in person. Pero iba pa rin talaga ang pagsusulat sa pagsasalita.

    Bababa ba? Nakakatuwa, ano?

    ReplyDelete
  14. Oo nga eh. Siguro pag may nakausap ako na ganyan mag tagalog mapapasmile nalang ako. Haha.

    ReplyDelete
  15. napakagandang pakinggan ang wika natin. parang pagkain na masarap nguyain: reason why I support MLE or Multilingual Education.

    Thanks for leaving a comment sa aking latest post :)

    ReplyDelete
  16. @ Good luck sa pahahanap ng taong kakausap sa iyo ng purong Tagalog. Marahil may may mga natitira pa, ngunit kailangan mong pumunta ng Laguna at Cavite para hanapin sila.


    @ VinCeleste: Sang-ayon ako sa iyo. Maganda ngang pakinggan ang ating wika, huwag lamang gagamitin sa kunwari'y balagtasang paggamit.

    Let's all strive for MLE!

    ReplyDelete

Can't stand the craziness?


Scream!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin