Wednesday, August 26, 2009

Home


Makalipas ang tatlong taong pagsasarili, muling nagbalik sa aming tahanan ang aking nakatatandang kapatid. Marapat nang hindi ungkatin ang siyang dahilan ng kaniyang paglisan sapagkat ito'y akmang ibaon na lamang sa limot.


Pinaghandaan ng aming ina ang napipintong pagbabalik na ito: ipinagawa niya ang ilang silid sa aming bahay, kasama ang aking lumang silid. Sa pagbabalik ng aking kapatid, kaakibat nito ang aking pagbalik sa lumang silid na ito.

Hindi ko ipagkakaila, marami akong gamit. Mapalad ako at may kakayanan akong bumili ng ilang luho, ngunit ang mga luhong ito ang siyang nagpapahirap sa akin sa aking paglisan sa silid na akin na ring nakasanayan. Salamat na lamang at nakakuha ang aming ina ng ilang tauhan upang tumulong sa aming paglilipat, kasama na rin ang paglilinis at pagbubuhat ng ilang kagamitan.


Nakapapagod ang paglilipat, lalong lalo na ang pag-imis ng mga gamit. Maselan ako sa aking gamit at sa ayos nito. Hindi ko ipagkakatiwala sa ibang tao ang pag-aayos nito, siyang dahilan ng aking matagal na pagkawala sa sapot ng blogosperyo (hindi lamang ito ang sanhi ng aking pagkawala, ngunit sa ibang talata na lamang ang pagkukuwento tungkol dito). Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang aking pag-aayos sa aking silid. Marami pa rin akong mga gamit na hindi nahahanapan ng akmang lugar sa aking bagong silid.

Masukal man ang aking lugar sa ngayon, ang mahalaga ay tapos na rin ang paglilipat, at mas lalong mahalaga ay nagbalik na ang aking kuya. Hindi na alintana na hiniram niya ang aking laptop kaya't hindi ako makapag-libot sa sapot ng ilang araw.

Madalas man kaming hindi magkasundo, at noon ay parating nag-aaway, ako ay masaya pa rin sa kaniyang pagbabalik.

16 comments:

  1. Wow! ang daming books! peram!

    Welcome back home sa utol mo :-D

    ReplyDelete
  2. An unexpected homecoming : )
    Hope everything is okay at the homefront.

    Ang dami mo nga sigurong gamit. Don't worry, just devote a weekend or two to arranging everything, matatapos ka din. : )

    ReplyDelete
  3. How old were you when you started to live, err, separately? Gusto ko na ren mamukod eh. Hehe. Kaso natatakot parin ako. XD

    ReplyDelete
  4. isa itong magandang balita. natutuwa rin ako para sa inyo. ang maganda at naging bukas kayo sa kanyang pagbabalik.

    ReplyDelete
  5. @ Jepoy: Oo nga, marami na akong libro. Sa susunod na ako magpapahiram, kailangan ko munang mag-imbentaryo dahil marami akong nawawalang libro kamakailan.


    @ Angel: Hindi naman nakagugulat, Mahigit isang taon na rin nang unang nabuksan ang usapan sa pagbabalik ng aking kapatid, ngunit ngayon lamang naisakatuparan.

    Hindi pa rin ako tapos sa paglilinis, naubusan ako ng mga lalagyan para sa mga gamit ko. :-)


    @ Vajarl: Dalawampu't anim ang kapatid ko noong umalis siya sa amin. Mas matapang ang aking kapatid kumpara sa akin, dahil nakaya niyang mag-isa. Wala pa rin akong lakas ng loob na umalis sa pudar ng aking pamilya.


    @ Dong: Sang-ayon ako na isa siyang magandang balita.

    ReplyDelete
  6. ayun.

    pauwi na pala si big brother.

    bigla kong naalala ang kwento ng prodigal son. lol!

    maligayang paglilinis sa bagong lumang kwarto!

    ReplyDelete
  7. wow. ang daming libro. hehe. reminds me to save up to add additional bookshelves in my room. di na magkasya ang iba. :D

    ReplyDelete
  8. Tulunga kita magligpit ng gamit mo : ) hehe

    ReplyDelete
  9. @ Anon: Oo, nakauwi na. Maayos naman ang paglilipat, ngunit hindi pa natatapos ang paglilinis.


    @ The Scud: Oo, marami na ngang libro, at wala na ring lalagyan ng ilan pang mga aklat. Kailangan ko pang bumili ng mga lalagyan.


    @ Wait: Salamat sa tulong! :-)

    ReplyDelete
  10. Wow, honga daming books! Ang mga nawalang books. ipapanalangin ko, umuwi sila sa bahay ko. haha.

    ReplyDelete
  11. @ Acrylique: Kung mapadpad diyan ang mga aklat, paki-sabihan na lang ako para maiuwi ko na sila. Haha!

    ReplyDelete
  12. wow miss shatterShards natutuwa ako para sayo, lumipat ka man sa isang liblib at masukal na kwarto ay masaya ka pa rin dahil anjan na ang kuya mo...

    happy family na ulit.

    ReplyDelete
  13. Pareho pala tayo. Ako rin, I have a lot of stuff, magazines in particular. Nasira na nga lang yung iba gawa ng tulo sa kisame sa kuwarto ko. :D

    ReplyDelete
  14. @ Livingstain: err... miss?

    Hindi naman liblib ang nilipatan kong kwarto. May kalakihan din ito dahil naipaayos na.


    @ Andy: Sayang naman ang mga magazine na nabasa. Kinatatakot ko ring mangyari iyan sa mga aklat ko, kaya't binabalutan ko ng matibay na plastik ang mga ito.

    ReplyDelete
  15. a bookworm indeed. looking at the pictures, puro libro lang ang nakita ko. the rest were pretty much non-existent! lol

    love,
    nobe

    www.iamnobe.wordpress.com
    www.deariago.com

    ReplyDelete
  16. @ Nobe: Puro libro ba? Saan? Mukhang wala naman. hehehe

    ReplyDelete

Can't stand the craziness?


Scream!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin