Saturday, August 29, 2009

24 Hours

Dahil lamang sa biruang opisina ay naatasan akong pumunta sa Cebu para sa buwanang pagbibilang. Hindi ko ito hinahangad, ngunit dahil narito na rin ay tinanggap ko na. Madalas ko na ring sinasabi sa aking sarili na tatanggapin ko ano man ang ibigay sa akin dito sa opisinang ito; kung ayaw ko naman ay madali lamang tumanggi. Alam ko rin na mas mahirap papayagin ang karamihan sa mga kasamahan ko na pumunta roon.

Hindi pa ako nakararating ng Cebu. Ang biyaheng ito ang magiging unang beses na mapapadpad ako sa yaong lugar. Kung isasama ang pagpunta ko noon sa Boracay kasama ang ilang kaibigan, ang paglipad na ito ang pangalawa pa lamang na pagkakataon na mapapadpad ako ng Visayas. Masayang isipin ang pagkakaroon ng bagong karanasang katulad nito.

Trabaho pa rin ang ipinunta ko roon. Aalis ako ng Manila sa katapusan ng 12 ng tanghali, at aalis ng Cebu ng 12 ng tanghali ng susunod na araw. Kasama ang paglipad at pagtulog, nasa Cebu lamang ako ng hindi hihigit sa 24 oras. Ito ang paunang mga oras na ibinigay sa aking ng aming manager at kahit maaari ko itong baguhin ay hindi ko na rin ginawa. Kahit marami na ang nagsabi na dapat ay pinabago ko ang mga oras para magkaroon ako ng oras sa paglilibot, para sa akin ay akma na rin na wala akong masyadong maraming oras na gugugulin doon. Nangangamba ako na kahit damihan ko ang oras ko roon ay wala rin akong malibot, bagkus ay magtrabaho lamang ng mas mahabang panahon.

Sa susunod na lamang ako maglilibot sa Cebu, kapag hindi na trabaho ang sadya ko roon.

14 comments:

  1. ang saklap naman nun parekoi.

    panahon na sana 'yun para makatagpo ka ng isang hawt na cebuanang maaaring maging simula ng isang hawt ding pakikipagrelasyon. lololol!

    sa ganang akin, mas marapat sigurong humingi ka pa ng maski na isa pang dalawampu't apat na oras sa bisor mo para makapamili ka man lang ng maski na isang supot ng dried mangoes na maaari mong ipamudmod sa akin, sa amin. hahaha.

    i see that you've finally dipped your pen as well to the vernacular waters. i surmise you won't be able to get out of it's hypnotic eeriness real soon.

    i am the case in point. oh and yeah, i forgot to tell you. i was "anonymous" in your previous post.

    ReplyDelete
  2. madami maganda puntahan dun, sayang naman di mo malilibot...

    mga trabaho talaga oh.. wuhahaha

    ReplyDelete
  3. @ Lio Loco: Maayos na rin na maikli lang ang oras na gugugulin ko roon, baka kasi dumami ang mga ipagagawa kung magtagal ako.

    Nabanggit sa akin ng isang kaibigan na sa palengke na lang ng Ayala ako pumunta kung sakaling mamimili ako ng dried mangoes at mangorind, dahil sadyang masukal daw (at mabaho) ang malaking palengke. Wala rin naman akong balak mamakyaw ng danggit, kaya't hindi talaga ako pupunta sa palengke para mamili.

    Kung pasalubong naman, tiyak na walang mapapala sa akin ang mga tao, dahil hindi ako sanay mamili ng pasalubong. Maramot ako, kaya ang mga bibilhin ko lang ay para sa akin lamang. Ang isa paĆ½ wala akong nakalaan na salapi para sa pamimili, baka kulangin ang pera ko sa pamasahe, at sa pagkain, siyempre.

    Nahihirapan pa rin ako sa pagsulat sa wikang ito. Mas mabagal ang pagdaloy ng mga salita at karaniwan ay kailangan kong ihalaw sa tagalog ang naiisip kong ingles.

    Ikaw pala ang anonymous sa huling post, bakit naman hindi ka agad nagpakilala? Nagbabalik ka na ba sa pagba-blog? Siguradong maraming masisiyahan sa pagbabalik mo.

    ReplyDelete
  4. @ Raye: May mga nakapagsabi nga sa akin na marami raw magandang tanawin sa Cebu. Sa susunod na lamang ako maglilibot ng siryoso. Mas masarap maglibot kung alam mong pera at oras mo ang iyong gamit, at hindi ang sa kumpanya, mahirap nang masambitan ng di kanais-nais.

    ReplyDelete
  5. Ang lalim ng tagalog haha! Namiss ko din magsulat sa tagalog, well pag nagka time

    Ang saklap nga nyan, 12-12 balikan! On the losing end ka dyan ah, pagod na nga sa trabaho, pagod pa sa byahe haha!!

    ReplyDelete
  6. huwatttt? isang araw lang sa cebu? wala ka malilibutan don. pero cge trabaho muna saka na lang libot. u need a minimum of 4 days sa cebu para ma enjoy ito.

    ReplyDelete
  7. @ Homer: Malalim na ba talaga ang pananagalog ko? Hindi naman yata, siguro'y nakapaninibago lamang dahil iniiwasan kong gumamit ng filipino, at ng mga halaw na salita. Tamang kahibangan lamang, at pakikipag-landian sa naka-tipang mga salita.

    Maganda na ring isipin na napagkakatiwalaan akong gumawa ng ganitong trabaho. Kailangan lamang tanggalin sa isip ang pagrereklamo. Hindi naman ako pinagsukluban ng langit at lupa sa gawaing itinalaga sa akin. :-)

    ReplyDelete
  8. @ Lawstude: Hehe, oo, isang araw lang talaga. May malilibot pa naman siguro ako, kahit papaano. Hindi ko pa yata kayang gumugol ng apat na araw sa paglilibot sa Cebu. Siguradong magastos ang ganoong paglalakbay. Hindi ko rin kayang mawala ng ganoon katagal dahil tiyak na matatambakan ako ng trabaho sa aking pagbalik. Ngunit tama ka pa rin na masarap libutin ang Cebu, na sana'y magawa ko sa malapit na hinaharap.

    ReplyDelete
  9. Answerte naman. marami walang ganyan sa work nila. 'Yung iba walang work at all LOL. Mabuti ang decision mo to oblige kasi it makes you more a well-rounded person. You only have one lifetime to do many things.

    ReplyDelete
  10. @ Random Student: Yeah, maswerte pa rin ako dahil may trabaho ako na kaya akong ipadala sa Cebu. Maganda ang Cebu, kahit mas mainit kumpara sa Manila. Sana makarating ulit ako roon para maglibot.

    ReplyDelete
  11. Dapat kasama na ako sa susunod mong pagpunta ng Cebu.Hehe

    ReplyDelete
  12. @ Anon: Hindi pa sure kung kailan magkaka-chance makabalik ng Cebu. hehe

    ReplyDelete
  13. hehehe. you should go to the beach whenever you're in cebu. :)

    love,
    nobe

    www.iamnobe.wordpress.com
    www.deariago.com

    ReplyDelete
  14. @ Nobe: I didn't get to see the beach, I was busy admiring the large cold storage freezer that houses some of the stocks I was supposed to count. Maybe next time. :-)

    ReplyDelete

Can't stand the craziness?


Scream!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin